naglalakad man ng malayo upang makakilos
ay inoorganisa pa rin ang binubusabos
upang manindigan sa isyu, prinsipyo'y matalos
at ihanda ang api sa mahabang pagtutuos
sa isyung pangkalusugan, tumigil nang magyosi
tuwing umaga'y kontento na sa pakape-kape
alagaan ang katawan na handa pang magsilbi
tiyakin ang seguridad at huwag magpagabi
bilin nila, sa sabi-sabi'y huwag maniwala
baka masadlak sa kumunoy ng mga akala
magsuri ng sitwasyon, bakit may tamang hinala
baka guniguni'y umani ng bangungot, luha
kilo-kilometro man ang lakarin, di susuko
pakaway-kaway man ang dilag, tukso'y nanduduro
malupit man ang kaaway, di papayag maglaho
kikilos pa rin kung may naapi saan mang dako
- gregbituinjr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento